Bumili ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Philippine National Oil Company (PNOC), ng 300,000 barrels ng diesel na inaasahang darating sa susunod na linggo upang mapalakas ang suplay ng langis sa bansa.
Ayon sa Department of Energy (DOE), layunin nitong matiyak ang sapat na imbentaryo ng langis sa gitna ng tumitinding global oil crisis.






















