
Binuksan na kahapon, January 26 ang isang solar-powered na electric vehicle charging station sa loob ng compound ng Senado. Mayroon itong dalawang 7-kilowatt chargers na pinagagana ng 36 na bifacial solar panels sa ibabaw ng Senate canteen.

Inanunsyo ni Cainta, Rizal Mayor Keith Nieto na magsasagawa s'ya medical break epektibo mula kahapon, January 26. Ayon sa alkalde, na-confine s'ya sa ospital noong linggo dahil sa pananakit ng dibdib.

Idineklara ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1 na fit to pre-trial o kayang makaharap sa paglilitis para sa kaniyang kasong crime against humanity si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang mga pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila laban sa mga senador.

Tinawag na fake news ng Malacañang ang impormasyon na sasailalim umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa operasyon dahil sa diverticulitis.