Nagpaalala ang Kuwaiti government sa publiko na mag-ingat at maging handa matapos magtamo ng pinsala ang Bushehr nuclear plant sa Iran, na kalapit-bansa nito.
Ayon sa mga awtoridad, bagama’t wala pang dapat ikabahala, mahalagang magpatupad ng safety measures sakaling maranasan ang epekto ng posibleng pagtagas mula sa planta.






















