Nilinaw ng Commission on Elections na wala itong kapangyarihan na makialam sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE para magamit ang pondo sa gitna ng krisis.
Ayon sa Commission on Elections, sakaling ma-postpone ang halalan, hindi maaaring ilipat o gamitin sa ibang layunin ang pondong nakalaan para dito.






















