Binigyang-diin ni Retired Associate Justice Antonio Carpio na kailangan ng political will upang mapakinabangan ng bansa ang sariling suplay ng langis sa exclusive economic zone nito.
Samantala, ayon sa isang mambabatas, maituturing na pagsasakripisyo sa soberanya ng Pilipinas ang pagpasok sa joint oil exploration sa China.






















