Itinuturing pa ring malaking banta ng Department of the Interior and Local Government ang negosyanteng si Charlie 'Atong' Ang, sa kabila ng pagsuko ng ilang armas.
Ayon sa DILG, dahil sa lawak ng kanyang resources, hindi isinasantabi ang posibilidad na mayroon pa rin siyang ibang armas, lalo’t itinuturing siyang umano’y utak sa kaso ng mga nawawalang sabungero.






















