Ligtas nang nakauwi kahapon ng umaga ang 15 Pilipinong tripulante ng lumubog na M/V Devon Bay.
Subalit giit ng Philippine Navy, hindi sapat ang isang rescue operation para mabura ang daan-daang insidente ng agresibo at ilegal na presensya ng mga barko ng China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.





















