Nagbabala si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na walang “immunity” ang mga kaaway ng Israel matapos ang unang airstrike ng Israel sa southern suburbs ng Beirut mula nang magkaroon ng ceasefire noong nakaraang buwan.
Samantala, nakatakdang muling magharap ang mga opisyal ng Lebanon at Israel sa Washington sa susunod na linggo para sa negosasyon na layong wakasan ang kaguluhan sa rehiyon.






















