Iniulat ng International Air Transport Association (IATA) na maaaring umabot na lamang hanggang Hunyo ang supply ng jet fuel sa Asia, batay sa pag-aaral ng International Energy Agency.
Ayon kay IATA Director General Willie Walsh, nagsimula nang magbawas ng flights ang ilang bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas, at posibleng sumunod ang airline companies sa Europa.






















