Isinara ng Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC ang Strait of Hormuz sa gitna ng tumitinding tensyon matapos ang opensiba ng US at Israel laban sa Iran.
Sa Strait of Hormuz dumadaan ang humigit-kumulang 20% ng suplay ng langis at liquefied natural gas sa buong mundo.
Kaya naman nangangamba ang mga eksperto sa magiging epekto ng naturang pagsasara sa presyo ng langis sa mundo.






















