Tuloy ang mahigpit na implementasyon ng mga ordinansa sa Metro Manila sa ilalim ng Safer Cities program sa kabila ng mga batikos na natatanggap ni DILG Sec. Jonvic Remulla.
Ayon kay Remulla, layunin lamang ng hakbang na masiguro ang kaligtasan sa mga lungsod kaya ipinag-utos ang mas seryosong pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa.





















