
Magpapatupad na ng adjustment sa operating hours ang mga mall sa bansa bilang pakikipagtulungan sa ginagawang pagtitipid ng lahat sa konsumo sa langis at enerhiya.

- Oil price freeze, pag-aaralan pa ng pamahalaan; implementasyon ng emergency powers ni Pangulong Marcos Jr., hindi dapat madalian ayon sa Palasyo
- Pagkwestiyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa impeachment process ng Kamara sa Korte Suprema, inaasahan na ng mga mambabatas
- Pagsasampa ng kaso kaugnay ng flood control project anomalies, inaasahang sunod-sunod na ayon sa Ombudsman

Inaasahan na ng ilang mambabatas sa House Justice Committee ang posibleng pagdulog sa Korte Suprema ng kampo ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng impeachment process laban sa kanya.
Nanindigan naman ang mga ito na naaayon sa kanilang mandato ang isinasagawang proseso ng Kamara.

Nakatakdang ilunsad ng Cebu Provincial Government ang fuel subsidy program para sa mga habal-habal driver.
Ipamamahagi ang subsidiya matapos ang long holiday ngayong Abril, at ang mga kwalipikadong driver ay makatatanggap ng P3,000 hanggang P5,000 na tulong, ayon sa Kapitolyo.

Bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng kandidatura para sa Bangsamoro Parliamentary Elections pagkatapos ng long holiday ngayong Abril.
Kasunod ito ng paglagda ng Pangulo sa batas na nagtatalaga ng bagong petsa para sa pagdaraos ng halalan sa nasabing lugar.