
Nanindigan ang Liquefied Petroleum Gas Marketers Association o LPGMA na imposible sa ngayon ang price control sa LPG.
Ayon kay LPG Marketers Association Founder Arnel Ty, problema ngayon ang agawan ng supply sa global market.

Ipagpapatuloy ngayong araw ng Biyernes, March 27, ng iba't ibang mga transport groups ang isinasagawang malawakang tigil-pasada bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nagpapahirap sa kabuhayan ng mga driver ng pampublikong sasakyan.

Inihayag ng China ang kahandaan nitong muling simulan ang usapan sa joint oil exploration sa South China Sea kasama ang Pilipinas.
Ayon sa Chinese Embassy, ang kooperasyon sa enerhiya ay tamang landas upang mapanatili ang kapayapaan at benepisyo sa rehiyon.

Sa gitna ng matinding hamon sa suplay ng enerhiya dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan, Inianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang matagumpay na paghuhukay at testing ng Camago 3-well na nasa Palawan,kung saan nadiskubre ang panibagong gas resources.

Dumating na sa Pilipinas ang isang barko sakay ang nasa pitong daang libong bariles ng Russian crude oil.
Ayon sa Department of Energy, mas marami pang deliveries ng langis ang inaasahang darating sa susunod na araw o linggo.