Biglang tumaas ang presyo ng gulay na repolyo sa La Trinidad Vegetable Trading Post kasunod ng mabagal na pagdating ng bagong aning gulay mula sa mga magsasaka.
Mula sa halos 3 piso kada kilo noong nakaraang linggo, umabot na ngayon sa 15 hanggang 20 piso kada kilo ang wholesale price ng repolyo.






















