Tiniyak ni Ombudsman Crispin Remulla na may mga susunod pang masasampahan ng kaso kaugnay ng flood control anomaly, ngunit tumanggi itong ihayag kung sinu-sino ang mga sangkot.
Ayon sa Office of the Ombudsman, hindi na mababawi ng mga nasa likod ng iskandalo ang kanilang mga asset kahit nag-expire na ang mga naunang freeze order.






















