
Umapela ang Department of Social Welfare and Development sa mga tsuper na huwag dumagsa sa isasagawang payout sa susunod na linggo.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, upang maging maayos ang iskedyul ng pamimigay ng ayuda, nagtakda na sila ng araw ng pamamahagi ng cash assistance.

Pormal nang iniimbitahan si Vice President Sara Duterte sa pagdinig na isasagawa ng House Justice Committee sa dalawang reklamong impeachment.
Gayunman, tatalakayin pa ng defense team ng Pangalawang Pangulo ang gagawing hakbang kung dadalo ba o hindi ang Bise Presidente.

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalabas ng 21.47 billion pesos na pondo mula sa Budget Department.
Pangunahing gagamitin ang pondo para matugunan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.

Naghain ng resolusyon ang isang senador para sa mas maingat na paggastos ng pamahalaan.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa gitna ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: http://www.facebook.com/GoodMorningKuya/
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/