Para sa Malacañang, malinaw na may banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng paliwanag ni Vice President Sara Duterte sa naging pahayag nito.
Umaasa rin ang Palasyo na ibabatay ng Senate Impeachment Court ang magiging desisyon nito sa mga ebidensyang ihaharap sa kaso laban sa Bise Presidente.






















