Posibleng hindi na bumiyahe ang ilang jeepney driver sa Maynila kapag umabot sa P200 kada litro ang diesel, dahil sa kasalukuyan ay lugi na umano sila.
Ayon sa mga driver, hindi sapat ang P5,000 ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.






















