Pinatigil muna ang lahat ng water activities sa lalawigan ng Aurora bilang pag-iingat sa banta ng Bagyong Inday.
Suspendido rin ang klase sa buong lalawigan hanggang bukas, habang tiniyak ng lokal na pamahalaan na may sapat na relief supplies at rescue resources sakaling may mga lugar na ma-isolate dahil sa bagyo.























