
Isang paalala na sa bawat simpleng tulong ay may malaking epekto sa buhay ng kapwa.
Sa video na ito, tutukan natin ang kwento ng isang senior citizen na naputulan ng paa at humihiling ng wheelchair upang mas maging malaya at komportable sa kanyang pang-araw-araw na buhay.

Ang Pebrero ay Heart month — panahon ng pagpapaalala na ang kalusugan ng puso ay hindi dapat isinasantabi.
Bilang pakikiisa sa adbokasiyang ito, muling isinagawa ng Philippine Heart Center ang taunang "Lakad Puso" dahil ang bawat hakbang ay kumakatawan sa pag-asa, pag-aalaga, at pagkilos tungo sa mas malusog na pamumuhay.

Patuloy ang ating layunin na gawing mas accessible ang healthcare para sa lahat.
Kaya naman tayo ay nagsagawa ng medical mission sa Las Piñas City, kung saan maraming guro, estudyante, at mga magulang ang nabigyan ng libreng konsultasyon at iba pang serbisyong medikal.

Naghahanap ka ba ng clinic na halos kumpleto na ang kailangan mo? Sa isang kumpletong YAKAP Clinic, mas napapadali ang proseso ng pagpapatingin at pag-aalaga sa kalusugan.
Sa video na ito, alamin natin kung anu-anong services ang maaaring available at bakit malaking tulong ang pagkakaroon ng comprehensive care sa iisang clinic

Plano n’yo bang sabay-sabay magpa-check up bilang pamilya? Alamin kung posible bang magpa-schedule ang buong pamilya o kahit buong angkan sa The Med Club bilang isang YAKAP Clinic.