Isinailalim na sa red alert status ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Quick Response Team nito bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Inday at habagat sa iba't ibang rehiyon ng bansa.
Ayon sa DSWD, prayoridad nitong mabigyan ng agarang ayuda at suporta ang mga bahain at hazard-prone na lugar.























