
Batay sa resulta ng latest presidential preference survey na kinomisyon ng Pulse Asia, lumabas na parehong nakakuha ng 46% sina VP Sara at Senator Raffy Tulfo sa mga opisyal na napipisil na susunod na magiging Presidente ng bansa.

Itinanggi ni House Justice Committee Chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang ulat na may mga nag-atras ng suporta sa impeachment ni Vice President Sara Duterte sa Kamara.
Kasunod ito ng unanimous vote ng 55 House panel members para pagtibayin ang committee report at resolusyong nagtatakda ng articles of impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.

- Report at resolusyong articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, aprubado na ng House Justice Committee
- Kailangang suporta sa Albay kasunod ng ashfall mula sa Bulkang Mayon, naibigay na; tuloy-tuloy na clearing operations sa mga apektadong lugar, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
- Pasay City Regional Trial Court, humingi ng paumanhin kay broadcaster Jay Sonza dahil sa pagkakamali sa warrant of arrest

Tiniyak ng Philippine Red Cross Masbate ang kahalagahan ng sapat na blood supply sa isla lalo na sa panahon ng emergency.
Ayon sa ahensya, malaking tulong ang mga blood donor, kabilang ang mula sa MCGI, upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng dugo sa lalawigan.

Magpapatupad ng panibagong oil price adjustment ang mga kumpanya ng langis simula bukas, May 5, kung saan higit P2 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina at diesel, ayon sa Department of Energy.
Samantala, bababa ang presyo ng kerosene, habang tiniyak ng DOE na sapat ang suplay ng petrolyo sa bansa.