
Nagbabala si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Iran na mas matinding pagganti ang haharapin nito sakaling muling atakihin ang Israel sa gitna ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan.

Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nadiskubre nitong umano'y iregularidad sa pagpapatayo ng isang sports complex sa New Clark City, Tarlac.
Sinasabing mula umano sa budget insertion ang pondong ginamit sa pagpapatayo nito.

Apat na FA-50 fighter jet at isang C-130 transport aircraft ang ipinadala ng Philippine Air Force sa Australia para makilahok sa Exercise Pitch Black 2026.
Kasama rin sa ipinadalang grupo ang mahigit 200 miyembro ng PAF na lalahok sa pagsasanay sa Northern Australia.

Makalipas ang anim na pagdinig, tinapos na ng Korte Suprema ang oral arguments para sa pagbusisi kung naaayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ang unprogrammed funds na nakapaloob sa 2024 hanggang 2026 national budget.
Samantala, pinagsusumite pa rin ng Kataas-taasang Hukuman ang Senado at Kamara ng mga hinihingi nitong dokumento.

Hindi inakala ng defense panel na aalisin ng prosecution bilang testigo si Office of the Vice President Attorney Zuleika Lopez.
Gayunman, ayon sa defense team, prerogative ng prosekusyon kung sila ay magbabawas ng mga witness na ihaharap sa impeachment trial.