
Iniuugnay ng Department of Agriculture sa mga hakbang ng pamahalaan para matiyak ang sapat na suplay at matatag na presyo ng pagkain ang pagbaba ng food poverty rate sa bansa. Batay sa survey ng OCTA Research, bumaba sa 30% noong huling quarter ng 2025 ang self-rated food poverty o bilang ng mga Pilipinong nagsabing nakararanas sila ng gutom.

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang 8 overseas Filipino workers (OFW). Kaugnay ito ng nasunog na plastic manufacturing company sa Gyeonggi-do, South Korea noong nakaraang Biyernes, January 16.

Nagsimula na ang satellite voter registration ng Commission on Elections (Comelec) sa Antique para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon sa provincial election officer ng naturang lugar, layunin ng programa na maabot ang mas maraming botante, kabilang ang mga bagong SK voters at reactivated voters.

Panoorin ang latest update mula sa Philippine Weather Bureau PAGASA ngayong araw ng Huwebes, January 22, 2026.

Nagsagawa ng sapilitang pag-aani sa kanilang pananim na sibuyas ang ilang onion farmers sa Bongabon, Nueva Ecija. Bunsod ito ng paglitaw at pag-atake ng mga mapaminsalang antrachnose at army worms na unti-unting sumisira sa kanilang pananim at pag-iwas na rin sa mas malaking pinsalang idudulot nito sa kanilang kabuhayan.