
Ininspeksyon ngayong araw ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang flood control project na sinimulan nitong nakaraang buwan sa kahabaan ng Araneta Avenue.
Magsasagawa sila kasama ang mga eksperto ng simulation upang makita kung gaano kalaki ang mababawas sa baha o paano makatutulong ang pinalawak na drainage system sa lugar.

Dinepensahan ni Senador Imee Marcos ang tinagurian nilang Minority report sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control scandal.
Ito ay matapos ihayag ni Senador Ping Lacson na ibabasura nito ang naturang dokumento.

Nilinaw ni dating Philippine National Police at ngayo'y General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority Nicolas Torre III ang usapin kaugnay ng optional retirement.

-Bank accounts ni VP Sara Duterte, nais ipasilip sa Ombudsman at AMLC
-Panibagong impeachment complaint vs. PBBM, ihahain ngayong araw -
- Sen. Imee Marcos, dinepensahan ang minority report na ibabasura umano ni Sen. Ping Lacson

Itinuturing ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na malaking bagay para sa disaster response ang pagkakaroon ng satellite service ng mga telecommunication company sa bansa.