Ininspeksyon ngayong araw ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang flood control project na sinimulan nitong nakaraang buwan sa kahabaan ng Araneta Avenue.
Magsasagawa sila kasama ang mga eksperto ng simulation upang makita kung gaano kalaki ang mababawas sa baha o paano makatutulong ang pinalawak na drainage system sa lugar.






















