
Magpapatuloy ang trabaho ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na isa sa mga technical working group ng Independent Commission for Infrastructure para habulin ang mga sangkot sa flood control projects scandal.

Ini-endorso ng Makabayan Bloc lawmakers ang ikalawang impeachment case laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inihain ito sa Kamara ngayong araw kahit wala sa tanggapan si House Secretary-General Atty. Cheloy Garafil.

Nagsampa kahapon sa Ombudsman ng patong-patong na reklamo si dating Senator Antonio Trillanes IV kasama ang isang civil society group laban kay Vice President Sara Duterte.
Kaugnay nito ay ipinanawagan rin ng grupo na silipin ng Ombudsman at Anti-Money Laundering Council ang mga bank accounts ni VP Sara.

Ihahain ngayong araw ang panibagong impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon naman sa isang House Asst. Majority Leader, posibleng mabanggit na ito sa Plenaryo ng Kamara oras na magbalik-sesyon ang Kongreso sa Lunes, January 26, 2026.

Nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng PNP-Highway Patrol Group laban sa mga luxury cars na may kaugnayan kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Ayon kay HPG Dir. Police Brigadier Gen. Hansel Marantan, hindi tumitigil ang kanilang mga tauhan maging sa Region 5 upang matagpuan ang sampung pinaghahanap na luxury cars ng dating mambabatas.