Nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng PNP-Highway Patrol Group laban sa mga luxury cars na may kaugnayan kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Ayon kay HPG Dir. Police Brigadier Gen. Hansel Marantan, hindi tumitigil ang kanilang mga tauhan maging sa Region 5 upang matagpuan ang sampung pinaghahanap na luxury cars ng dating mambabatas.





















