Iniuugnay ng Department of Agriculture sa mga hakbang ng pamahalaan para matiyak ang sapat na suplay at matatag na presyo ng pagkain ang pagbaba ng food poverty rate sa bansa. Batay sa survey ng OCTA Research, bumaba sa 30% noong huling quarter ng 2025 ang self-rated food poverty o bilang ng mga Pilipinong nagsabing nakararanas sila ng gutom.























