Nagsimula na ang satellite voter registration ng Commission on Elections (Comelec) sa Antique para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon sa provincial election officer ng naturang lugar, layunin ng programa na maabot ang mas maraming botante, kabilang ang mga bagong SK voters at reactivated voters.






















