Nagsagawa ng sapilitang pag-aani sa kanilang pananim na sibuyas ang ilang onion farmers sa Bongabon, Nueva Ecija. Bunsod ito ng paglitaw at pag-atake ng mga mapaminsalang antrachnose at army worms na unti-unting sumisira sa kanilang pananim at pag-iwas na rin sa mas malaking pinsalang idudulot nito sa kanilang kabuhayan.






















