
Inatasan ng Department of Transportation ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng agarang pagresolba sa isyu ng mga transmission line na nakakaabala sa operasyon ng Bicol International Airport.

Muling magsasagawa ng public auction o pagsusubasta ang Bureau of Customs para sa walong sasakyang nakumpiska mula sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Ayon sa BOC, isasagawa ito sa February 11 nang 10 AM sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Maynila.

Hiniling ng Commission on Election (Comelec) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing holiday sa ikalawang distrito ng Antipolo sa araw ng special election sa March 14, 2026.
Ito ay kaugnay ng isasagawang special election sa lugar upang punan ang bakanteng puwesto na naiwan ng yumaong kinatawan ng distrito na si Rep. Romeo Acop, na pumanaw noong Disyembre 2025.

Isinusulong na maaprubahan sa Kamara ang mga panukalang batas na magdadagdag ng cash grants sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Maaaring ihain muli ang kaparehong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang paniniwala ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, miyembro ng House Committee on Justice.