Back

UNTV News and Rescue

1:17
Crime & Investigation

Bilang ng nasawi sa MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan, umabot sa 40 — PCG

February 2, 2026 10:35 AM
PST

Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 ay 40 na, at hindi 39 gaya ng unang naiulat.

Nanatili naman sa 316 ang bilang ng mga nakaligtas.

0:38
Politics

QC LGU, ipinababatid na libre ang pagtawid sa Quezon City Memorial Circle Elevated Promenade

February 2, 2026 10:36 AM
PST

Ipinababatid ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na libre ang pagtawid sa Quezon Memorial Circle Elevated Promenade.

Ayon sa opisyal na pahayag na inilabas ng lungsod, hindi awtorisado ang anomang paniningil sa mga tumatawid dito.

0:46
Politics

Mga pederasyon ng asukal, nanawagan ng regulasyon sa artificial sweeteners

February 2, 2026 10:37 AM
PST

Nagbigay ng manifesto ang mga pederasyon ng asukal sa Pilipinas sa Department of Agriculture at Sugar Regulatory Administration.

Nananawagan ang mga ito ng regulasyon sa paggamit ng mga artificial na pampatamis at mas mahigpit na polisiya para sa iba pang mga substitute sa asukal.

0:40
Politics

MTPB enforcer na umano'y nangongotong, tinanggal na sa trabaho

February 2, 2026 10:37 AM
PST

Tinanggal na sa trabaho ang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nahuling nangongotong.

Sa video na ibinahagi sa social media, nagtatanong ang enforcer kung magkano ang kayang ibigay ng pinarang motorista.

1:19
Politics

Konstruksyon ng nakatiwangwang na Malabog flyover sa Albay, pipiliting tapusin sa loob ng 2 taon

February 2, 2026 10:38 AM
PST

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ikalawang yugto ng pag-iinspeksyon sa kahabaan ng Maharlika Highway bilang bahagi ng rehabilitasyon nito.

Isa sa mga pinuntahan ng ahensiya ang limang taon nang nakatenggang Malabog flyover sa bayan ng Daraga, Albay.