Muling magsasagawa ng public auction o pagsusubasta ang Bureau of Customs para sa walong sasakyang nakumpiska mula sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Ayon sa BOC, isasagawa ito sa February 11 nang 10 AM sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Maynila.





















