Hiniling ng Commission on Election (Comelec) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing holiday sa ikalawang distrito ng Antipolo sa araw ng special election sa March 14, 2026.
Ito ay kaugnay ng isasagawang special election sa lugar upang punan ang bakanteng puwesto na naiwan ng yumaong kinatawan ng distrito na si Rep. Romeo Acop, na pumanaw noong Disyembre 2025.






















