Back

UNTV News and Rescue

1:12
Politics

Pagtalakay sa impeachment complaint vs. PBBM, sisimulan na ngayong araw sa Kamara

February 2, 2026 10:47 AM
PST

Sisimulan na ngayong araw ng Lunes, February 2 ng House Committee on Justice ang pagtalakay sa impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inaasahan ang consolidation sa dalawang reklamong impeachment laban sa presidente at pagtukoy kung sufficient in form and substance ang mga ito.

0:44
Politics

PBBM, bumubuti na ang kalusugan

February 2, 2026 10:51 AM
PST

Bumubuti na ang kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang kaniyang ibinalita sa kaniyang bagong vlog na inilabas kahapon.

Ayon sa Pangulo, namayat s'ya dahil sabaw lang ang ibinigay sa kaniyang pagkain sa ilang araw.

1:05
Politics

PBBM, binigyang-diin sa vlog ang pagsasaayos ng lumang polisiyang pahirap sa mga Pilipino

February 2, 2026 10:51 AM
PST

Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang bagong vlog ang mga polisiya sa digitalization upang mas mapabilis ang serbisyo ng gobyerno sa publiko.

Ayon sa Pangulo, dapat wakasan ang mga lumang polisiya na nagpapahirap sa buhay ng mga Pilipino.

45:02
Crime & Investigation
Politics
Lifestyle

UNTV: C-NEWS | January 30, 2026

January 30, 2026 5:34 PM
PST

- Mga mambabatas, may reaksyon sa naging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng impeachment case vs VP Sara

- Resolusyon sa 3 flood control cases kaugnay ng kumpanyang Syms, isinasapinal na ng DOJ

- 11 labi, na-recover sa search and rescue ops sa mga nawawalang pasahero ng lumubog na barko

2:33
Crime & Investigation

Imbestigasyon sa 6 na pulis na umano’y sangkot sa hold-up sa Makati, sinimulan na

January 30, 2026 6:49 PM
PST

Sinimulan na ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police ang pre-charge investigation laban sa anim na police personnel na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Malate Police Station, Manila Police District.  Ang mga ito ay sangkot umano sa hold-up sa Makati.