
Inihayag ni US President Donald Trump na pumayag umano si Russian President Vladimir Putin na pansamantalang itigil ang pag-atake sa Kyiv at iba pang lungsod sa Ukraine sa loob ng isang linggo dahil sa matinding lamig na nararanasan sa rehiyon.

Malaki ang posibilidad na muling magpatupad ng partial shutdown ang pamahalaan ng America matapos tanggihan ng Democrats sa US Senate ang anim na panukalang spending bills.

Pitong empleyado ng Department of the Interior and Local Government Region 6, ang nailigtas ng Bureau of Fire Protection matapos na ma-trap sa loob ng elevator ng kanilang opisina sa Sta. Barbara sa Iloilo.

Nakatakdang magpatupad ng partial at full road closure ang Metropolitan Manila Development Authority sa bahagi ng EDSA North Avenue simula sa February 1 hanggang May 19 para bigyang daan ang girder installation sa ginagawang MRT Line 7.

Tinanggihan ng Department of Transportation ang panukalang payagan ang carpooling sa EDSA busway at iginiit na ang lane ay eksklusibong ginawa para sa mas mabilis na biyahe ng mga bus at commuter.