Sinimulan na ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police ang pre-charge investigation laban sa anim na police personnel na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Malate Police Station, Manila Police District. Ang mga ito ay sangkot umano sa hold-up sa Makati.





















