Back

UNTV News and Rescue

1:07
Politics

Sen. Lacson, mariing tinutulan ang mungkahi ni Sen. Marcoleta na isuko ang Kalayaan Islands

February 9, 2026 9:08 AM
PST

Binansagan ni Sen. Panfilo Lacson na homegrown traitors ang mga Pilipinong handa umanong ibenta ang Pilipinas kapalit ng pansariling pakinabang.

Kaugnay ito ng mungkahi ni Sen. Rodante Marcoleta na isuko ng Pilipinas ang Kalayaan Group of Islands kasabay ng isinagawang pagdinig ng Commission on Appointment noong Biyernes.

0:53
Politics

Nakababatang kapatid ni ex-Pres. Duterte, pumanaw sa edad na 71

February 9, 2026 9:08 AM
PST

Pumanaw na noong Biyernes, February 6 ang nakababatang kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Benjamin "Bong" Duterte sa edad na 71.

Noong Sabado, naglabas ng opisyal na pahayag si Vice President Sara Duterte kung saan nagpasalamat ito sa mga nakikiramay sa kanilang pamilya.

1:25
Politics

Mary Grace Piattos at iba pang recipient ng confi funds ni VP Sara, inaasahang ilalantad ni Madriaga

February 9, 2026 9:07 AM
PST

Umaasa si House Committee on Public Accounts Chairperson at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na ilalantad ni Ramil Madriaga kung sinu-sino sina Mary Grace Piattos at iba pang recipients ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Dati umanong bagman ng bise presidente si Madriaga at nag-aakusang galing umano sa drug dealers at POGOs ang salaping ginamit ni VP Sara sa pangangampanya para sa 2022 elections.

1:02
Politics

29 PUV terminals, pinagko-comply sa passenger's safety ng LTFRB

February 9, 2026 9:07 AM
PST

Nagpadala ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa karagdagang 29 na public utility vehicle terminals sa bansa.

Bukod pa ito sa naunang 87 mula sa 155 PUV terminals na nainspeksyon na ng mga awtoridad.

0:45
Politics

Lubak-lubak na kalsada sa Apalit, Pampanga na ininspeksyon ni Sec. Dizon, inaayos ng DPWH

February 9, 2026 9:07 AM
PST

Puspusan na ang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lubak-lubak na kalsada sa Manila North Road sa Apalit, Pampanga.

Ininspeksyon ni Public Works Sec. Vince Dizon ang naturang kalsada noong January 23 ngayong taon.

Inaasahang matatapos naman ito sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.