Back

UNTV News and Rescue

4:35
Weather & Environment

Shear line at amihan patuloy na magpapaulan; walang bagong LPA ayon sa PAGASA

February 9, 2026 9:13 AM
PST

Patuloy pa ring nakaka-apekto sa bansa ang shear line at amihan.

Ayon sa PAGASA, bagaman walang bagong low pressure na namo-monitor sa ngayon, asahan pa rin ang makulimlim at kalat-kalat na mga pag-ulan dahil sa umiiral na weather systems.

0:55
Politics

Kooperasyon sa labor migration, pinag-usapan ng Pilipinas at Ukraine

February 9, 2026 9:13 AM
PST

Pinag-usapan ng Pilipinas at ng Ukraine ang kooperasyon sa labor migration, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ibinahagi ng DMW na nag-courtesy call si Ukrainian Ambassador to the Philippines Yuliia Oleksandrivna Fediv sa central office ng DMW sa Mandaluyong City noong February 6.

1:24
Politics

Mary Jane Veloso, muling humiling na mapalaya na

February 9, 2026 9:13 AM
PST

Muling humiling si Mary Jane Veloso na makalaya na matapos ang higit isang taon mula nang makauwi ng Pilipinas noong December 2024 galing sa bansang Indonesia.

Sa dalawang pahinang sulat o open letter, idinaan ni Mary Jane ang muling pakiusap na sana ay makalaya na mula sa ilang taong pagkakakulong.

0:57
Politics

Tarriela, inimbitahan si Sen. Marcoleta na sumama sa Kalayaan Island Group sa WPS

February 9, 2026 9:10 AM
PST

Iniimbitahan ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela si Sen. Rodante Marcoleta na sumama sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Ayon kay Tarriela, maaaring sumama si Sen. Marcoleta sa isasagawang maritime domain awareness flight sa hinaharap

0:57
Politics

Pahayag ni Cong. Paolo Marcoleta na iharap sa China si Tarriela at mga senador, binatikos ni Lacson

February 9, 2026 9:08 AM
PST

Binatikos ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang naging pahayag ni Sagip Partylist Rep. Paolo Henry Marcoleta kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.

Tinawag ni Sen. Lacson na wala sa lugar ang naging pahayag ng kongresista na "ad hominem" o personal na pag-atake sa opisyal ng gobyerno at mga senador.