Binatikos ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang naging pahayag ni Sagip Partylist Rep. Paolo Henry Marcoleta kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.
Tinawag ni Sen. Lacson na wala sa lugar ang naging pahayag ng kongresista na "ad hominem" o personal na pag-atake sa opisyal ng gobyerno at mga senador.






















