Binansagan ni Sen. Panfilo Lacson na homegrown traitors ang mga Pilipinong handa umanong ibenta ang Pilipinas kapalit ng pansariling pakinabang.
Kaugnay ito ng mungkahi ni Sen. Rodante Marcoleta na isuko ng Pilipinas ang Kalayaan Group of Islands kasabay ng isinagawang pagdinig ng Commission on Appointment noong Biyernes.






















