Puspusan ang ginagawang paghahanda ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa posibleng mga protesta para sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.
Sa katunayan, nagsagawa na nang walk through ang National Capital Region Police Office at ang Quezon City Police District sa ilang lugar sa Metro Manila na madalas na pagtipunan ng mga ralisyista.





















