Back

UNTV News and Rescue

2:08
Weather & Environment

Pag-apaw ng 2 ilog sa Camarines Norte, nagdulot ng pagbaha

February 9, 2026 9:06 AM
PST

Umapaw ang mga ilog at binaha ang ilang mga bayan sa lalawigan ng Camarines Norte bunsod pa rin ng malakas na pag-ulan dahil rin sa shearline.

1:33
Weather & Environment

Higit 1,500 indibidwal, inilikas dahil sa malawakang pagbaha sa Catanduanes

February 9, 2026 9:06 AM
PST

Nagdulot ng malawakang pagbaha sa isla ng Catanduanes ang malakas na pag-ulan kahapon bunsod ng shearline.  

Ilang bahay at kalsada ang napinsala at may mga residente ring kinailangang ilikas dahil sa pagtaas ng tubig-baha.

0:56
Weather & Environment

Iligan City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Basyang

February 11, 2026 6:59 PM
PST

Isinailalim na sa state of calamity ang Iligan City sa Lanao del Norte matapos ang matinding pananalasa ng Bagyong Basyang sa lugar noong nakaraang linggo.

Sa pamamagitan nito ay mapabibilis ang paglalabas ng calamity fund ng lungsod upang tulungan na maiayos at matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

0:49
Weather & Environment

Matinding ulan sa Northern Mindanao dahil sa Bagyong Basyang, nahigitan ang 100-year return period

February 9, 2026 9:05 AM
PST

Matinding ulan ang ibinagsak ng Bagyong Basyang sa Northern Mindanao na naging dahilan ng matinding pagbaha sa Iligan City noong nakaraang linggo.

Ayon sa PAGASA, nahigitan ng ibinuhos na ulan ng Bagyong Basyang ang 100-year return period.

1:10
Weather & Environment

Ilang mga lugar sa Bicol, nagpatupad ng suspensyon ng klase dahil sa epekto ng shearline

February 9, 2026 9:05 AM
PST

Suspendido ang klase sa ilang lugar sa Bicol ngayong Lunes, February 9, dahil sa epekto ng shearline.  

Sa buong lalawigan ng Albay, kanselado ang in-person classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan. Sa halip, ipatutupad ang alternative learning modality.