
Umabot na sa 12 ang bilang ng mga nasawi matapos ang pananalasa ng Bagyong Basyang sa bansa.
Sa update ng Office of the Civil Defense, as of February 8, nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng kalamidad.

Nasagip ng Philippine Coast Guard ang mahigit sa dalawang daang mga indibidwal na sakay ng isang nasiraang motor banca sa may katubigan ng Lampinigan Island sa Basilan. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Balikan natin ang mga pangunahing balita sa nakalipas na linggo, dito sa Ito ang Balita: Weekend Refresh.

-VP Sara Duterte, may reaksyon sa panibagong impeachment complaint laban sa kanya
-Kahandaan ng Senado sa i-aakyat na impeachment mula sa Kamara, tiniyak ni SP Tito Sotto III
-Video post ni US Pres. Donald Trump Laban kay dating Pangulong Barack Obama, umani ng batikos

Nagbigay ng reaksyon si Akbayan Pres. Rafaela David sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng impeachment complaint na inihain ng grupo laban sa Pangalawang Pangulo.