
Opisyal na binuksan ang Milan-Cortina 2026 Winter Olympics sa pamamagitan ng isang magarbo at makukulay na selebrasyon. Nakatakda namang magtapos ang naturang kompetisyon sa February 22, 2026.

Umani ng mga pagbatikos ang video post ni US President Donald Trump sa kanyang Truth Social account laban kay dating US Pres. Barack Obama at ang kanyang asawa na si Michelle Obama.

Inakusahan ng Estados Unidos ang China na palihim na nagsasagawa umano ng isang nuclear test noong 2020. Dahil dito, hinimok ng U.S. ang pagbuo ng isang malawakang arms control treaty na kasama ang China at Russia.

Inaresto ng Bureau of Immigration ang dalawang Indian national sa Antipolo City sa bisa ng isang mission order mula kay Commissioner Joel Anthony Viado. Nasa kustodiya na ng BI ang dalawang dayuhan at isinailalim sa standard booking procedure at verification.

Walo ang naitalang nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Basyang sa bansa batay sa ulat ng Office of Civil Defense o OCD.