Puspusan na ang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lubak-lubak na kalsada sa Manila North Road sa Apalit, Pampanga.
Ininspeksyon ni Public Works Sec. Vince Dizon ang naturang kalsada noong January 23 ngayong taon.
Inaasahang matatapos naman ito sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.






















