
Nilinaw ng Department of Foreign Affairs at Department of Justice na wala pang extradition request mula sa Estados Unidos laban kay KJC leader Apollo Quiboloy.
Target ng amyenda sa Philippine Extradition Law na payagan ang Pilipinas bilang requesting state, dahil sa kasalukuyang batas, ibang bansa lamang ang pwedeng humiling ng extradition ng akusado mula sa Pilipinas.

Inisyuhan ng show cause order ang mga tauhan ng Bureau of Customs na pinaghihinalaang sangkot sa pagpupuslit ng luxury cars ng mag-asawang Pacifico o Curlee at Zarah Discaya.
Ayon sa imbestigasyon ng BOC, peke ang mga dokumento na ginamit upang makapasok ang naturang mga sasakyan sa Pilipinas.

Ipinabalik na sa normal ang water activities sa Aurora province matapos ang bagyong Uwan, habang patuloy ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang maibalik ang normal na pamumuhay. Nilinaw ni Governor Isidro Galban na walang substandard na kalsada ang nasira dahil sa bagyo.

Bagamat unti-unti nang bumababa ang tubig sa Cagayan River, hindi pa rin madaanan ng mga motorista ang tulay sa Barangay Alicaocao, Cauayan City, Isabela.
Samantala, nagsimula na rin ang paglilinis ng mga paaralan bilang paghahanda sa pagbabalik-klase ng mga estudyante bukas.

Nadagdagan pa ang panukalang isinampa sa Kamara laban sa political dynasty, ngunit nagdududa ang Makabayan lawmakers kung tutuparin ng pamunuan ng Kamara ang pangakong itaguyod ang anti-political dynasty bill.