Overloaded at hindi dumaan sa tamang proseso ang lulan na cargo ng RORO vessel na lumubog sa karagatan ng Basilan kamakailan.
Ito ang lumalabas sa imbestigasyon sa sinapit ng MV Trisha Kerstin 3.
Ipinatatanggal na rin sa pwesto ang mga opisyal at tauhan ng MARINA at Philippine Coast Guard na posibleng may kapabayaan sa nangyaring insidente.
Pinag-aaralan na rin kung dapat sampahan ng kasong kriminal ang naturang mga opisyal ng MARINA at PCG, pati na rin ang kumpanya na may-ari ng lumubog na RORO vessel.






















