Naniniwala si Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen na hindi kabuuang solusyon ang charter change o pagpapalit ng Konstitusyon upang maresolba ang problema sa korapsyon sa bansa.
Muling naging maugong ang pagsusulong ng pag-amyenda sa Saligang Batas kasunod ng kasalukuyang estado ng politika sa Pilipinas.






















